Written by: Malu CadeliƱa Manar
(Kidapawan City/ April 15, 2014) ---Nailigtas
sa tiyak na sunog ang isang bahay sa ARC Subdivision Phase 4 sa Barangay Paco,
Kidapawan City dahil sa maagap na pagresponde ng mga kapitbahay, ala 1:30
kahapon.
Ayon sa ilang kapitbahay na rumesponde, nakarinig
sila ng malakas na pagsabog sa loob mismo ng bahay ng isang may apelyidong
Mamon.
Agad umano sila’ng humingi ng saklolo sa
Bureau of Fire Protection, 911, at sa Traffic Management Unit o TMU ng
Kidapawan City government.
At habang hinihintay ang fire truck, nakita
umano ang maitim na usok na nagmula sa loob.
Wala raw katao-tao sa bahay kaya sinira na
lamang nila ang pinto.
Dito tumambad sa kanila ang maitim na usok
na mula sa pumutok na electrical outlet.
Duda ang mga fire fighter na mumurahing
electrical plug ang ginamit ng may-ari at hindi kinaya ang mga appliance na
nakasaksak rito.
Nakadagdag pa umano ang sobrang init ng
panahon.
Payo ng BFP sa mga residente ng lungsod na
wag iwanang nakasaksak sa mga outlet ang kanilang mga appliances kung walang
tatao sa bahay para makaiwas sa sunog.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento