Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Device para matukoy ang Nitrogen content sa dahon ng palay, naimbento ng mag-aaral ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2014) ---Nagwagi ang imbensiyon ng mga estudyante mula sa College of Engineering and Computing ng University of Southern Mindanao na enhancement of automated Rice Nitrogen Management Device.

Ayon kay Research and Development Director Dr. Ariston Calvo ang nasabing imbensiyon ay wagi sa Development Category sa kauna-unahang USM Student Research, Development and Extension In-House Review na ginanap sa Extension Conference Hall, Extension Building, USM, Kabacan, Cotabato kamakailan.


Sinabi ni Dr. Calvo na ang nasabing device ay malaking tulong sa mga magsasaka at mga agriculturist upang masuri ang nitrogen deficiency ng mga pananim na palay at iba pa.

Sa pamamagitan nito, malalaman kung anu karami ang ilalagay na pataba sa mga pananim.

Samantala, pumapangalawa naman sa nasabing kategorya ang portable exhaust emission analyzer buhat pa rin sa thesis ng mga estudyante ng nasabing kolehiyo.

Ang nasabing tool ay malaking tulong upang malaman ang usok na ibinubuga ng mga sasakyan na hindi na kailangan pang pumunta sa isang emission center.

Pero, ayon kay Dr. Calvo dapat rin umanong iparehistro ang naturang gadget para matiyak ang kakayahan nito sa pag-determina ng usok ng mga sasakyan.

Lahat ng mga imbensiyong ito ay gawa ng mga estudyante ng USM bilang bahagi ng partial fulfillment sa kanilang kinukuhang degree.

Nakatanggap naman ng cash prize at certificate ang mga research na nanalo sa nasabing in-house review.


Abot naman sa 28 USM Student Research ang lumahok sa nasabing kategorya. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento