(Matalam, North Cotabato/ April 15, 2014)
---Patay ang isang 51-anyos na magsasaka makaraang mahulog sa sinasakyan nitong
lawin Jeep sa may kurbadang kalsada ng hangganan ng brgy. Lampayan at Brgy.
Sta. Maria, Matalam, North Cotabato alas 12:30 ng tanghali kahapon.
Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe
ng Matalam PNP ang biktima na si Noling Rufino, may asawa at residente ng Sitio
Layangan, Brgy. Sarayan ng nasabing lugar.
Batay sa report ni SPO1 Froilan Gravidez
binabaybay ng isang Passenger Jeep na may plate number MBG 249 na minamaneho ni
Antonio Carag, 62 ng Antipas, Cotabato ang kahabaan ng nasabing National
Highway mula Poblacion, Matalam papunta ng bayan ng Arakan ng mangyari ang
insedente.
Ayon sa report aksidenteng nahulog si Rufino
mula sa sinasakyan nitong Jeep dahilan para mabagok ang ulo at nagtamo ng
malubhang sugat na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng mga pulsiya sa nasabing insedente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento