(Kidapawan city/ April 15, 2014) ---Hanggang
alas 5:00 ngayong hapon na lamang ang palugit na ibinigay ng Bureau of Internal
Revenue o BIR sa pagfile ng Income Tax Return o ITR.
Sinabi ni Revenue District Officer Judith
Pacana na naglagay na sila ng dagdag na tauhan sa kanilang tanggapan para
mapaglingkuran ang pagdagsa ng mga tax payers ngayong araw.
Sa kasalukuyan hindi pa naabot ng kanilang
tanggapan ang kanilang target na revenue tax collection sa unang quarter
ngayong taon.
Mula Enero hanggang Marso ngayong taon nasa
43 million pesos ang hindi nakolektang tax ng BIR-108, ayon kay Pacana.
Maliban sa mga sangay ng Bureau of Internal
Revenue (BIR), mayroon umanong iba't ibang "modes of payment" para sa
mga kababayan sa kanilang pagbabayad ng buwis, na magtatapos ngayong araw.
Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na
maari rin umanong gawin ang paghahain ng income tax returns sa mga authorized
banks at maging mobile payments o tax debit memo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento