Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspected Carnapper, arestado sa kasagsagan ng laban ni Pacquiao sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2014) ---Naghihimas ng malamig na rehas bakal sa Kabacan lock-up cell ang isang suspected carnapper matapos na maaresto ito sa kasagsagan ng laban ni Manny Pacquiao sa isang kalye ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sinamantala ng suspek na si Dao Lapatsing, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao ang paghinto ng mundo dahil sa laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para tangayin sana ang isang motorsiklo.


Ang nasabing sasakyan ay isang kulay itim at pulang rouser motorcycle na may plate number XE-6519 na pag-mamay-ari ni Leomer Liboon Mercado ng Antipas, Cotabato.

Habang nakaparada ang nasabing sasakyan ay nagpanggap ang suspek na may ari at agad na ginamitan ng master key at pwershang binuksan ang gas tank.

Pero bago paman nakalayo ang suspek ay natunugan na ito at sa isinagawang visibility patrol ng mga pulisya ay nahuli ang nasabing suspek.

Agad namang nakumpiska ang master key nito at na-i-turn over ang nasabing motorsklo sa may-ari.

Sa ngayon, inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong kakaharapin nito.


Maliban dito, nakapagtala naman ng zero crime rate ang Kabacan PNP sa buong duration ng laban ni Manny Pacquiao sa buong AOR ng Kabacan ayon kay Supt. Maribojo. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento