Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 12, 2012) ----Hanggang ngayon ay magdadalawang buwan ng hindi pa rin nahakot ang mga basura sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan ---partikular na nakatambak ngayon ang mga ito sa Jose Abad Santos St.
Dahilan kung bakit ito nirereklamo ng mga residente doon.
Una rito, inireport din kahapon ang mga basura sa USM Housing at Plang village na hindi pa rin umano nahakot ng garbage compactor.
Kaya ang reklamo aming idinulog sa tanggapan ng Municipal environment and Natural Resources.
Paliwanag ni MENRO Officer Jerry Laoagan na ang mga erya kungsaan di pa nahakot ang mga basura ay sakop umano ng garbage compactor ng brgy.
Napag-alaman na dalawang buwan na din palang sira ang garbage compactor ng brgy kaya di ito magamit.
Kaugnay nito, pansamantala munang maghahakot ang garbage compactor ng munisipyo sa mga erya na sakop ng brgy.
Sa kabila nito, nais pa rin ng mga residente sa lugar ang mas mabilis na aksiyon dahil kapag isang linggo lang na di mahakot ang mga basura, nagdudulot na ito ng malansang amoy at dahilan pa ng pagdami pa ng mga langaw.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento