Written by: Rhoderick Beñez
Photo captured by: Anthony Henilo |
Ang nasabing press conference ay hinggil sa nangyari umanong dayaan sa gobernaturial race sa probinsiya.
Batay sa naging pahayag ni Piñol, tinukoy nito ang unang limampu’t anim na presinto kungsaan ay may nangyari diumanong manipulasyon.
Sa ngayon, hihintayin umano ng kampo ni Piñol ang desisyon ng comelec batay na rin sa mga ebedensiya na kanilang naisumite sa nasabing tanggapan.
Una rito, tahasang sinabi nito na ang Malacañang at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng "automated" na dayaan sa Cotabato province.
Ayon kay Piñol, sangkot sa dayaan ang mga board of election inspectors (BEIs) kung saan nangyari ang computer manipulations at vote buying.
Napahiya umano ang Malacañang sa ibinasurang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD), habang dinaya naman siya ng MILF sa kanilang teritoryo dahil sa pagkontra nito sa nasabing kasunduan.
Samantala, sa panayam ng DXVL -Radyo ng Bayan kay MILF Spokesperson Von Al Haq, itinanggi nito ang nasabing akusasyon dahil hindi naman umano kasali ang MILF sa political exercise ng gobyernong Pilipinas at walang kinalaman sa nangyaring dayaan ang grupo nila sa North Cotabato.
Dagdag pa nito, na analysis lamang umano ito ni Piñol ang MOA-AD upang may masisi ito sa kanyang pagkatalo bagama’t wala umanongkinalaman ang MOA-AD sa kanyang pagkatalo, ayon kay Al Haq.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento