Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sewing machines and materials, nakatakdang iturn-over sa mga Women’s Organizations sa 4 na barangay sa Bayan ng kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Nakatakdang iturn-over sa 8 mga Womens Organization ang 8 mga makinarya at mga materyales sa pagtatahi sa 4 na brgy sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Kabacan LGU Information Officer Sarah Jane Guerrero sa panayam ng DXVL News, ang mga 8 mga Womens Organization ay nagmumula sa mga Brgy. ng Kayaga, Kuyapon, Pisan at Kilagasan.


Anya, malaking tulong umano ito sa mga miyembro ng mga nasabing mga organisasyon sa pagbibigay kabuhayan sa pamamagitan ng paggawa ng mga prodykto mula sa Pandan at Water Hyacinth o Water Lily.

Dagdag pa ng opisyal, ang nasabing proyekto ay programa ng Department of Trade ang Industry katuwang ang LGU Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr. sa ilalim ng Grassroots Planning and Budgeting Program o GPBP.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento