By: Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 30,
2015) ---Magtatapos na ang halos isang buwan na Free Lawn Tennis Summer Sports
Clinic na programa ng LGU Kabacan ngayong darating na Mayo a-1 taong 2015.
Ayon kay Kabacan Municipal
Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang programa noong
Abril a-6.
Anya, nilahokan ang nasabing aktibidad
ng humigit kumulang 40 mga Elementary at Highschool students mula sa ibat-ibang
barangay sa bayan na mahilig sa nasabing sports.
Naging laman ng aktibidad ang Lawn
Tennis basic training and drills.
Dagdag pa ng opisyal na isa ito sa
programa ng LGU Kabacan sa pangunguna ni Mayor Herlo Guzman Jr. para sa mga
kabataan upang mailayo ang mga ito sa bisyo at matuon ang atensiyon sa sports.
Kasabay ng pagtatapos ng nasabing
aktibidad ay patuloy ngayon ang pag-anyaya ng LGU Kabacan sa mga kabataan sa
bayan na sumali sa gaganapin namang Free Basketball Sports Clinic sa darating
na Mayo a-4 hanggang a-7 sa susunod na buwan.
Sa hiwalay na panayam kay LGU Kabacan
Youth and Development Officer Latip Akmad, ito ay bukas sa lahat ng mga
kabataan sa bayan na 15 anyos pababa na nagnanais matuto at mahilig sa larong
basketball.
Binigyang diin ng opisyal na libre
ang nasabing aktibidad at walang anumang babayaran.
Sa mga nagnanais sumali ay tumungo
lamang sa Municipal Compound at hanapin si Sir Latip Akmad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento