Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pambobomba ng BIFF sa tulay, silat

(Maguindanao/ April 26, 2015) ---Nasilat ng tropa ng militar ang tangkang pambobomba ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kasunod ng pagkakarekober sa isang bomba sa tulay ng Brgy. Meta, Datu Unsay, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division (ID) dakong alas-11 ng tanghali ng marekober ang bomba.


Ang Improvised Explosive Device (IED) ay itinanim ng mga pinaghihinalaang BIFF sa may tulay may 50 metro lamang ang layo sa himpilan ng Charlie Company ng Army’s 34th Infantry Battalion (IB).

Agad namang nag­res­ponde ang tropa ng militar at narekober ang inabandonang bagahe na nadiskubreng bomba ang laman.

Sinabi ni Petinglay na nai-detonate naman ang bomba matapos ang ilang minuto na mabuti na lamang na napigilan itong sumabog at makapinsala ng sibilyan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento