Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 sugatan sa pagsabog ng Granada sa isang tindahan sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Tatlo ang naiulat na sugatan makaraang sumabog sa isang sari-sari store at videoke house ang granada na inihagis ng mga di pa nakilalang suspek sa Sitio Balisawan, brgy. Tomado, Aleosan, North Cotabato pasado alas 7:30 ngayong gabi.

Ayon kay PSI Arnel Melocotones, hepe ng Aleosan PNP kinilala nito ang mga nasugatan na sina Leo Calibayan Jr. 34- anyos, nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng leeg, Cella
Calambro, 16 anyos  nagtamo ng sugat sa kaliwang bahaging mukha nito at Neniita Calambro 41- anyos habang kinilala naman ang may ari ng tindahan na si Ramil Cordero, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

Mabilis namang isinugod sa Aleosan District Hospital ang mga biktima.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na bumibili lamang sa nasabing tindihan ang mga biktima ng itinapon ang nasabing granda sa bubongan ng tindahan at bumagsak ito at sumabog.

Malaki ang paniniwala ni Melocotones na isa sa mga customer ng naturang tindahan na nag iinuman sa videoke house ang target ng mga suspek.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP pero bigo silang mahuli ang suspek. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento