Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kawani ng Philrice, na anak ng USM Professor; patay sa aksidente

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2013) ---Dead on Arrival sa isang bahay pagamutan ang 25-anyos na kawani ng Philrice-Cabadbaran matapos maaksidente sa RTR Agusan del Sur, alas 3:00, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si John Peter Paul “Jep-Jep” Turnos, tubong Kabacan at anak ni Dr. Nicolas Turnos, guro ng College of Agriculture at kasalukuyang OSA director ng University of Southern Mindanao.


Sinabi ni Dr. Turnos na kasama ni Jep-jep ang lima nitong mga ka-trabaho matapos mag-outing kahapon ng pababa mula sa mataas na bahagi ng falls sakay ng motorsiklo ng hindi nito namalayan na may nakaparadang elf truck dahilan para iwasan nito pero nahulog naman sa bangin ang minamaneho nitong motorsiklo.

Tumama umano sa kanyang tadyang ang manebela ng motorsiklo at nabali ang mga buto ng biktima.

Napuruhan ang biktima matapos na ma internal hemorrhage.

Naisugod pa ang biktima kasama ang angkas nito sa Butuan Doctor’s Hospital pero binawian din ito ng buhay, habang patuloy namang ginagamot ang kasama nito.

Pagdadalamhati naman ang nararamdaman ng mga naulilang pamilya ni John Paul kungsaan maagang naulila sa ama ang dalawang anak nito na sina Shanie Zyra, 5 at John Peter Paul II, 9 na buwan.

Hindi naman lubos matanggap ng misis nitong nakilalang si Yna Karla Calmita-Turnos ang sinapit ng Mister na maagang sinalubong ni kamatayan sa edad na 25-anyos.

Ayon kay Dr. Turnos, inaasahang darating mga mga labi ni Jep2x sa kanilang bahay dito sa Villanueva Subdivision alas 9:00 mamayang gabi. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento