Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM, binalot ng sunod-sunod na Bomb Scare

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 24, 2013) ---Kinumpirma ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na negatibo sa pampasabog ang natagpuang maliit na kahon sa harap ng University Resource Learning Center ng University of Southern Mindanao, Kabacan, North Cotabato alas alas 7:00 ngayong umaga.

Agad namang kinordon ng mga pulisya na rumesponde sa erya ang harap ng USM Library.
Nabatid na isang janitor ng USM Library na kinilalang si Rasul Balayman ang nakakita ng nasabing maliit na kahon na may nakakabit na wire.

Agad namang nagsipulasan palabas ang mga kawani ng Library ng malaman ang nasabing bomb scare.

Sa ginawang pagsisiyasat ng EOD team sa tulong ng K9 Unit unang iniulat na positibo sa IED kaya pinasabog nila ito gamit ang water disruptor para masira ang komposisyon ng pampasabog.

Pero sa panayam ng DXVL News kay PCInsp. Maribojo, sinabi nitong negatibo sa IED at naglalaman lamang ng bote ang natagpuang kapon sa harap ng USM Library.

Alas 8:30 kaninang umaga ay balik normal naman ang sitwasyon sa library at sa buong Pamantasan pero ilang minuto lamang ang nakakaraan ay inireport naman ang bomb scare sa gilid ng USM Faculty House at Office of the Student Affairs, lahat nasa loob ng USM compound.

Sa ginawang pagsisiyasat ng mga otoridad nakumpirma na negatibo sa anumang pampasabog ang mga bomb scare na naireport.

Nabatid na sa susunod na linggo ay umpisa na ng enrollment para sa 2nd semester ng SY 2013-2014 dito sa USM.

Pinayuhan naman ni USM Vice President for admin and Finance Dr. Francisco Garcia ang publiko kasama na ang kawani at estudyante ng usm na maging vigilante sa paligid matapos na matagpuan ang nasabing bomba. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento