Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Business opportunity binuksan ng DTI North Cotabato para sa coconut farmers at coops

(PPALMA, North Cotabato/ October 23, 2013) ---Pinangunahan ng Department of Trade and Industry o DTI North Cotabato ang isang Business Opportunity Forum na naglalayong buksan sa mga magniniyog at mga kooperatiba ang pagkakakataong lubos pang pagkakitaan ang coconut na itinuturing ng karamihan bilang tree of life.

Inilatag ni DTI Provincial Director Engr. Anthony Bravo ang isang proyekto na maaring pasukin ng mga kooperatiba at Small Coconut Farmers Organizations o SCFOs.


Ayon kay Engr. Bravo, isa sa malaking oportunidad para sa mga magniniyog ay ang Coconut Supply Project sa pakikipagtulungan sa Franklin Baker Company of the Philippines.

Sa proyektong ito umano ay kikita ang mga coconut farmers sa pamamagitan ng pagsusuplay ng whole nuts sa nasabing kompanya.

Sinabi ni Bravo na ang whole nuts na magmumula sa mga coconut farmers at cooperatives ay siyang pagkukunan ng coconut water concentrate o coco water.

Nabatid na ang natukoy na coco water ay isa sa mga produkto ng Franklin Baker na iniluluwas sa Amerika at Europa.

Samantala, positibo naman sa oportunidad na ito ang kalipunan ng SCFOs sa Unang Distrito ng North Cotabato. (Roderick Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento