(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013)
---Tatlong mga barangay ang inilagay ngayon sa ‘areas of concern’ ng Kabacan
Commission on Elections habang papalapit ang Halalang Pambarangay ngayong
Oktubre a-28.
Ito ang ibinunyag ni Municipal Interior and
Local Government Operation Officer Ivy Cervantes batay na rin sa nakalap na
impormasyon mula sa comelec at PNP Kabacan.
Ang mga natukoy na barangay ay ang Aringay,
Kayaga at Lower Paatan kungsaan binabantayan ngayon ng mga otoridad ang peace
and order sa lugar habang papalapit ang halalan.
Kaugnay nito, nagsagawa ng candidate
briefing ang Comelec Kabacan sa lahat ng mga kakandidato sa barangay elections
na isinagawa sa Municipal Gymnasium nitong Sabado.
Mismong ang pamunuan ng Comelec ang
nagpatawag ng briefing katuwang ang MILGOO hinggil sa mga dapat gawin ng mga
ito sa panahon ng campaign period na nagsimula na nitong Biyernes (Oktubre
a-18) at ang mga responsibilidad na naka-atang sa kanila sakaling iluklok ang
mga ito sa pwesto.
Kamakalawa rin ay nagsagawa na ng masusing
pagsisiyasat at finalization ng mga listahan ng tumatakbong punong barangay at
kagawad ang pamunuan ng Comelec Kabacan sa pangunguna ni Acting Officer Gideon
Falcis.
Nabatid na sa barangay Poblacion apat ang
mga kumandidato bilang punong barangay sa katauhan nina: Bataga, Wilfredo Jr.;
Guzman, Jeric Batistel; Remulta, Dominador Ursal at Solomon, Pacifico Jr.
Samantala 39 naman ang mga kumandidato
bilang barangay Kagawad ng Poblacion, Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento