(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013)
---Tiniyak ng pamunuan ng Phivolcs Cotabato City na hindi nakakaapekto sa
faultline ng Carmen, North Cotabato ang tumamang 7.2 Magnitude na lindol sa
Bohol.
Ito ang nabatid mula kay Phivolcs Cotabato
City head Engr. Ranier Amilbahar.
Sinabi nitong, malayo sa Central Mindanao
ang epicenter ng magnitude 7.2 na lindol kaya malayong itong makapaminsala sa
Cotabato City at mga kalapit lugar.
Sinabi ni Amilbahar na higit 50 kilometro na
ang layo ng gumalaw na fault line sa Visayas kaya wala itong apekto sa mga
aktibong fault line dito sa Mindanao.
Sa kabila nito, hinimok ni Amilbahar ang
mamamayan na manatiling mahinahon kung makakaranas ng lindol.
Sa pinakahuling ulat, Patuloy ang pagtaas ng
bilang ng mga nasasawi mula sa 7.2 magnitude na lindol na nanalasa sa Central
Visayas kung saan umakyat na ito sa 185 kahapon.
Sa huling update ng National Disaster Risk
Reduction and Management Council, bukod dito, pumalo na rin sa 2,047 aftershocks
ang naitala simula noong Martes, 37 rito ay naramdaman.
Sa 185 na nasawi, 172 ay mula sa Bohol, 12
mula sa Cebu at isa sa Siquijor. Umabot naman sa 583 ang sugatan, habang siyam
ang nawawala.
Sabi pa ng NDRRMC, ang lindol ay nakaapekto
sa 703,244 pamilya, o 3,542,281 tao sa may 1,394 barangay sa 54 bayan at walong
siyudad sa anim na probinsya.
Dito, may 22,816 pamilya o 113,227 tao ang
nananatili sa may 93 evacuation centers. Samantala, nagtala naman ng 8,480
kabahayan ang nawasak habang 28,165 ang nasira sa may Bohol, Cebu, Negros
Occidental, Iloilo at Guimaras. Umabot naman sa kabuuang P549.85 million ang
nasirang ari-arian.
Naitala naman sa 374 ang nasugatan, 182 dito
ay sa Cebu, 188 sa Bohol, 3 sa Siquijor at isa sa Negros Oriental.
Posible umanong sanhi ng bagong fault system
ang 7.2 magnitude lindol na tumama sa Central Visayas.
Samantala, balik na umano ngayong araw,
Oktubre 21 sa normal ang klase sa ilang mga lugar na nasalanta dahil sa malakas
na lindol sa Central Visayas habang bigo pa rin ang mga rescue teams na mahanap
kahapon ang limang kabataan na naiulat na missing kasunod sa pagtama ng
magnitude 7.2 earthquake sa lalawigan ng Bohol. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento