Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 100 mga motorsiklo at tricycab, naka-impound sa Kabacan PNP; simula ng ipatupad ang election ban

(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Umaabot sa 128 mga motorsiklo at tricycab ang naka-impound ngayon sa Kabacan PNP simula ng ipatupad ang election ban noong Setyembre a-28.

Batay sa report ng Kabacan PNP walang kaukulang mga dokumento ang mga motoristang nasabat ang kanilang sasakyan, maliban pa sa gumagamit pa rin ang mga ito ng ipinagbabawal na open pipe, walang licence plate at wala ring OR-CR, walang franchise at walang mga drivers license dahilan kung bakit naka-impound ngayon ang nasabing sasakyan.


Ilan sa mga sasakyan na nasabat ng mga otoridad ay na-i-release na rin ng makabayad at naka-presinta ng kaukulang dokumento ang mga ito.

Posibleng madagdagan din ang bilang ng mga ito habang papalapit ang barangay election.

Pinaigting ng PNP ang seguridad sa bayan kasunod ng nangyaring nakawan ng motorsiklo sa Spectrum establishment sa bahagi ng Maria Clara St., Poblacion, Kabacan noong nakaraang linggo.

Ayon sa report dalawang motorsiklo na XRM na may license plate na 7292 MF at 4137 MK ang tinangay ng mga magnanakaw sa loob ng compound ni Engr. Edwin Subillaga.

Maliban dito, isang estudyante rin ng USM ang tinutukan ng baril bago tinangay ang kanyang XRM na motorsiklo habang nakaparada sa harap ng Methodist Church na nasa Sunset Drive habang naghihintay ng kanyang kasintahan.

Dahil sa nalulusutan pa rin ng mga masasamang loo bang mga otoridad,lalo nilang pinaigting ngayon ang seguridad sa paligid ng Kabacan. 


Sinabi kahapon ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na mahigpit din ang kanilang implementasyon ng gun ban hinggil sa halalang pambarangay at paghahanda para sa deployment ng tropa nito sa araw ng eleksiyon sa Oktubre a-28. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento