(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013)
---Binigyang diin ni GPH peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer ang pagtiyak
na magkaroon ng isang makatarungan at katanggap tanggap na solusyon sa
suliranin ng Bangsamoro sa pagbubukas ng 41st formal exploratory talks sa
Malaysia.
Ayon pa kay Ferrer, mahaba ang iginugol nila
na panahon upang makumpleto ang lalamanin ng mga annexes ito’y upang tiyakin ng
magkabilang panig ang patas at makatarungang solusyon para sa lahat at matiyak
na mabigyan ng maayos na sistema kung saan may kooperasyon ang bawat isa sa
itatayong Bangsamoro government at ng buong bansa.
Ayon naman kay MILF peace panel chair
Mohager Iqbal, nais nilang siguraduhin na ang magiging resulta ng usapang
pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang panig ay tanggap din ng mamamayang
Bangsamoro.
Dagdag pa ni Iqbal, na ang magiging bunga ng
usapang pangkapayapaan ay pakikinabangan ng lahat hindi lamang ng MILF kundi
pati narin ng MNLF at ng buong Bangsamoro.
Aniya, ang MILF ay umaapela sa grupo ng MNLF
na sila’y suportahan o kung hindi man ay bigyan sila ng pagkakataon na
magtagumpay sa paghahanap ng solusyon sa problema ng Bangsamoro sa Mindanao.
(OPPAP)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento