(Kabacan, North Cotabato/ October 23, 2013)
---Nirereklamo ngayon ng ilang mga Barangay Health Workers at mga volunteer’s
ng Barangay Kagaya, Kabacan, Cotabato ang diumano’y delay sa kanilang sahod.
Tatlong mga ginang ang dumulog sa himpilan
ng DXVL para ipanawagan sa kanilang barangay ang pagkakabalam ng kanilang
honorarium para sa buwang ito.
Ayaw namang magpabanggit ng pangalan ang
tatlo.
Paliwanag naman ni Kapitan Bong Bacana ng
Barangay Kayaga na may dinaluhang training ang kanyang treasurer at secretary
kaya di agad nila na-i-release ang pera at hindi rin umano nagbibigay ng
monthly report ang mga BHW na basehan ng Kapitan para sa pagpapalabas din ng
kanilang sahod.
Iginiit ng Kapitan na wala rin umanong
katotohanan na kanyang binibitin ang sahod ng mga volunteers nito sa barangay,
katunayan aniya, naglalabas siya ng sarili niyang pera kung ma-delay ang sahod
ng mga volunteers nito sa barangay.
Itinanggi din nito na hawak diumano ng
kanyang Misis at anak ang pampasahod para sa mga BHW.
Sinabi ni Kapitan Bacana na paninira lamang
ito sa kanya dahil sa papalapit ang barangay eleksiyon at nagpapa-re-elect ito
bilang Punong Barangay ng Kayaga. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento