(Tulunan, North
Cotabato/ October 22, 2013) ---Umakyat na sa siyam ang namatay, anim dito mga
sundalo habang apat naman ang malubhang nasugatan sa nangyaring pananambang ng
mga pinaniniwalaang New People’s Army sa magkahiwalay na lugar sa North
Cotabato alas 9:30 kahapon ng umaga.
Kinilala ni 57th
Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Noel dela Cruz ang mga nasawi na
sina Cpl. Bansuan, Cpl. Espiritu at Pfc. Baylon lahat mula sa 57th IB;
First Sgt. Hadlukon at Sgt. Ocho kapwa mula sa 38th IB; at mga kasapi
ng CAFGU na kinilalang sina Ballesteros, Batuslac at Tanducan.
Nabatid sa report na
isang mataas na opisyal ng sundalo ang iniulat na namatay na kinilalang si Captain
Ernesto Aguilar ng 38th IB pero wala pa itong kumpirmasyon mula
sa hanay ng mga sundalo.
Sinabi ni Dela Cruz na
sumabog ang landmine sa Barangay Bituan sa bayan ng Tulunan ng padaan ang
sinasakyan ng mga sundalo para maghatid sana ng allowance ng mga Cafgu at ng
kanilang pagkain ng mangyari ang insedente.
Pito ang iniulat na
patay on-the-spot sa nangyaring pagsabog.
Makalipas ang tatlumpung
minuto, isang malakas na pagsabog din ang yumanig sa Barangay Luna Sur sa bayan
ng Makilala kungsaan target dito ang pagdaan ng KM45 military vehicle lulan ng
mga sundalo.
Patay on the spot si
Cpl. Espiritu sa pagsabog ng landmine, ito ayon kay Lt. Bruno Hugo na
magresponde sana sa naunang ambush sa mga CAFGU at mga kasapi ng 38th
IB.
Nawala rin ang bag na
dala ni Captain Hugo na naglalaman ng sahod ng mga CAFGU.
Sa kanyang Press Release
na inilabas kahapon, mahigpit na kinokondena ni
Cotabato Governor Emmylou
Lala Mendoza ang nangyaring pag-ambush at pagpapasabog ng Landmine ng mga
pinaniniwalaang NPA laban sa tropa ng pamahalaan sa bayan ng Tulunan at
Makilala.
Aniya, wala umanong
lugar sa isang sibilisadong komunidad ang ginawa ng mga rebeldeng grupo lalo na
paggamit ng mga ito ng landmine na matagal ng ipinagbabawal sa international
covenants.
Mariing kinondena nito
ang nasabing karahasan sa kabila ng ginagawa nito ang lahat para mabigyan ng
solusyon ang ilang armadong gusot. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento