Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Contractor ng Generator Set para sa Cotelco, dumating na!

(Matalam, North Cotabato/ October 23, 2013) ---Dumating na kahapon ng tanghali ang contractor ng Generator Set para sa konstruksiyon ng 6 megawatts na gen set ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco.

Ito ang napag-alaman mula kay Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Sa ngayon naghihintay na lamang ng provisional Authority ang pamunuan ng Cotelco mula sa Energy Regulatory Commission o ERC para payagan ang pagdagdag ng 6megawatts na supply ng kuryente buhat sa ipo-produce ng gen set.

Umaasa ang Cotelco na magagamit na ang nasabing gen set sa buwan ng Disyembre o kaya sa unang Quarter ng taong 2014 para pandagdag sa kakulangan ng supply ng kuryente.

Sa ngayon, may power deficiency ang Mindanao na abot sa 180 megawatts, ayon kay Baguio.

Sa panig naman ng Cotelco, nakakaranas ang service area ngayon ng abot sa 1 hanggang 2 oras na load curtailment dahil sa krisis sa enerhiya na nararanasan sa bahaging ito ng Mindanao.

Pero ang ilang mga service erya ng Cotelco sa Kabacan, minsan higit tatlong oras ang brown-out na nararanasan na iba sa araw at iba rin kung gabi.


Marami ring mga negosyante ang umaangal sa Kabacan dahil wala rin umanong abiso na inilalabas ang Cotelco sa kanilang ipinapatupad na laod curtailment. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento