Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tunay na serbisyo publiko, hinikayat ng gobernador ng North Cotabato; 11 mga pulis sa region 12, sipa sa pwesto dahil sa droga

(Amas, Kidapawan City/ October 21, 2013) ---Hinikayat ng gobernador ng North Cotabato ang mga pinuno ng mga ahensya sa lalawigan na isulong ang tunay na serbisyo sa publiko.

Ayon kay Gov. Emmylou Lala Taliño-Mendoza, nagsagawa sila ng outcome level performance evaluation sa serbisyo ng mga manggagawa sa mamamayan.

Binigyang-diin ni Mendoza na ang pagseserbiyso ng maayos ay bilang tugon na rin sa isinusulong na adbokasiya ng North Cotabato na ' Serbisyong Totoo'.

Nabatid na sa loob ng nakalipas na tatlong taon, iba’t-ibang mga proyekto at programa na ang naipatupad sa tatlong distrito ng North Cotabato.

Ito ay kinabibilangan ng mga programang pangkabuhayan, pang-edukasyon at pang-agrikultura.

Samantala sa iba pang mga balita ---Tiniyak ni PNP 12 Regional Director Chief Superintendent Charles Calima Jr, na magpapatuloy pa rin ang random drug testing sa hanay ng pulisya sa rehiyon dose.

Ayon pa kay Calima, ito ay regular  na programa ng pulisya sa Region 12.

Layunin nito na malinis sa ipinagbabawal na droga ang hanay ng PNP.

Kinumpirma din ng naturang police official na sa siyam na buwan matapos ipatupad ang random drug testing, abot na sa 11 mga pulis sa region 12  na napatunayang gumagamit ng illegal na droga ang sinibak sa serbisyo.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento