Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Umano’y kaso ng pagtataga ng mga pasahero sa Pikit, North Cotabato; pinabulaanan ng Cotabato PNP

(Pikit, North Cotabato/ October 3, 2013) ---Pinabulaanan ng North Cotabato PNP ang report na ilang pasahero ng weena bus mula Davao patungong Cotabato City ang pinagtataga sa bahagi ng Aleosan, North Cotabato.

Inamin ni North Cotabato PNP Director Senior Supt. Danny Peralta na nakarating sa kanya ang report at agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya ng bayan ng Aleosan at Pikit.

Aniya, wala itong katotohanan at ligtas na nakarating sa Cotabato City ang last trip ng bus mula Davao.

Kaugnay nito, nanawagan si Peralta sa publiko na wag basta-basta maniniwala sa iba't-ibang kumakalat na text messages kaugnay ng banta sa seguridad sa lalawigan.

Iginiit ng opisyal na nananatiling nakaalerto ang pulisya kasama ang militar sa pagtiyak ng kaayusan sa buong North Cotabato.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento