(Amas, Kidapawan City/ October 31, 2013) ---Nanalo
ang Provincial Government ng North Cotabato ng malaking pa-premyo sa
isinagawang Raffle draw sa katatapos na 60th Founding Anniversary ng
World Medical Relief sa Detroit, Michigan, Kamakailan.
Ang raffle draw, ay bahagi ng anniversary
kick-off ng WMR ay bihira lamang na aktibidad nila na naglalayong matulungan
ang iba’t-ibang mga organizations at local governments sa mga developing na
bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical at pharmaceutical na
pangangailangan ng mga ito.
Kabilang sa napanalunan ng North Cotabato
Provincial Government ay ang brand new ambulance na naglalaman ng mga medical
supplies kasama na rito ang ilang mga emergency equipment kagaya ng defibrillator,
suction machine, nebulizer at oxygen na nagkakahalaga ng abot sa P1.2M.
Mismong si Cotabato Governor Emmylou “Lala”
J. Taliño-Mendoza ang personal na bumili ng nasabing winning ticket kungsaan
kanyang ibibigay ang ambulansiya sa probinsiya para magamit sa mga bahay
pagamutan ng gobyerno sa probinsiya, partikular na sa oras sa emerhensiya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento