Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga sementeryo sa Kidapawan City, bantay sarado ng mga otoridad

(Kidapawan City/ November 1, 2013) ---Nasa full alert na ang buong puwersa ng mga otoridad sa Kidapawan City upang matiyak ang seguridad ng mamamayan na magtutungo sa mga sementeryo kaugnay ng paggunita ng Undas.

Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Kidapawan City PNP kasabay ng ikakasa nilang Oplan Kaluluwa 2013 ngayong araw hanggang bukas.

Ipapakalat na rin ang mga elemento ng kapulisan sa limang sementeryo ng Kidapawan City. 

Habang may inihanda ng Peace action team o BPAT na siyang magbabantay sa mga parking lot ng sementeryo. 

Kugnay nito, sinabi ni City Police Director,Supt. Leo Ajero, na walang rerouting na ipapatupad sa ilang mga pangunahing lansangan sa lungsod. Pero may mga nakabantay nang Traffic Management Unit na siyang mangangalaga sa daloy ng trapiko.

Kaugnay nito, umiiral pa rin ang gun ban at bawal ang pagdadala ng mga baril at anumang uri ng patalim sa mga sementeryo.

Sa ibang dako pinayuhan naman ni 911 Operation center Head Psalmer Bernalte, ang publiko na dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga nakakalasing na inumin, deadly weapons kagaya ng baril at anumang uri ng patalim at maging fireworks. 

Maglalagay rin ang 911 ng ambulance at medical team sakaling magkaroon ng di inaasahang insidente. Rhoderick Beñez 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento