Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Special election gagawin sa 12 barangay sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ October 31, 2013) ---Isasagawa ang special election sa 12 mga barangay ng Pikit, North Cotabato.

Ito ayon kay Cotabato Provincial Election Supervisor Duque Kadatuan 51 mga clustered precincts buhat sa 12 mga barangay sa bayan ng Pikit ang bigong makapagsagawa ng Barangay Halalan noong Lunes.

Sinabi ni Kadatuan na kanya ng paiimbestigahan kung bakit isinagawa ang eleksiyon ng mga clustered precincts sa Pikit Central Elementary School na walang abiso mula sa Comelec central office.

Kaugnay nito, dapat magpaliwanag ang 153 mga Board of Election Tellers kung anu ang kanilang dahilan hinggil sa pagtanggi ng mga ito sa kautusan ng Comelec’s order.

Noong Oktubre a-25 una na kasing tinanggihan ng Comelec central office ang petisyon ng mga ito na ilipat ang lugar ng pagdadausan ng halalang pambarangay ng 12 barangay sa bayan ng Pikit.

Kabilang sa mga lugar na di nakapagsagawa ng eleksiyon ay ang: Barangay ng Bago Inged, Gocotan, Balong, Barongis, Balongis, Balabac, Bulol, Talitay, Rajamuda, Bualan at Buliok
Kaugnay nito, pinag-iisipan pa ngayon ng Comelec kung magsasampa ang mga ito ng election charges laban sa mga BETs. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento