(Mlang, North Cotabato/ October 28, 2013)
---Hinagisan ng mga di pa nakilalang mga kalalakihan ang harap ng bahay ng isang
negosyante sa Roxas St., Poblacion, Mlang, Cotabato alas 9:35 kaninang umaga.
Ayon kay PSI Rolando Dillera, hepe ng Mlang
PNP sumabog ang granada sa harap ng gate ng bahay ni Engr. Joselito Gonzales
Mercado, nasa tamang edad, residente ng nabanggit na lugar.
Walang namang may naiulat na nasaktan sa
nasabing pagsabog pero nagdulot ito ng takot at pangamba sa ilang mga botante
sa lugar makaraang inihagis ang granada malapit sa Mlang Pilot Central
Elementary School kungsaan kasagsagan ng isinasagawang halalang pambarangay sa
lugar.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang
pagsisiyasat ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pagpapasabog.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento