Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Halalang Pambarangay sa Kabacan, naging mapayapa sa kabuuan

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2013) ---Naging mapayapa sa kabuuan ang isinagawang barangay halalan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon.
Ito ang sinabi ni Election Officer Gideon Falcis matapos na nakumpleto na nila ngayong araw ang pagkakadeklara ng mga nanalo sa katatapos na halalang pambarangay.

Ikinatuwa naman ni Falcis ang naging resulta ng botohan lalo pa at walang naitalang election related incidents sa panahon ng pangangampanya at maging sa araw ng eleksyon.

Umaasa ang opisyal na tutuparin ng mga nanalong kandidato ang mga ipinangakong plataporma para sa kanilang mga residente.

Samantala, panalo naman sa pagka-punong barangay ng Aringay si Manalo Jerry, Sa Bangilan si Arellano Narciso, Buluan –Tado Zacarias na walang katunggali; Barngay Dagupan- Garcia Raymund, Katidtuan- Ticbe, Bienvinido; Kayaga- Bong Bacana; Kilagasan- Manuel Melchor; Magatos- Pedtaman Rex, walang kalaban; Malamote-Lacea, albino, walang katunggali; Malanduage-Garcia Manuel; Nangaan-Lumambas Matog; Osias- Pascua Flordelino; Paatan Lower- Maganaka, Tony; Paatan Upper- Riogelon, Anita; Pedtad –Mantawil, Romeo; Pisan- Peralta, Armando; Salapungan-Mantawil Aladin; Sanggadong –Macalipat, Malambeg; Simbuhay; Enalang Tonicks; Simone-Sudang, Undungan; Tamped- Saliling Daniel.

Habang dito naman sa Poblacion nanalo naman bilang punong barangay si Dominador Remulta-2,466; Jeric Guzman-2,342; Wilfredo Bataga Jr. -784 at Pacifico Solomon-389.

Samantala sa pagka-barangay: pasok sina Edna Nanay Macaya; Aguinaldo Debby; Hinguillo Ruperto; Allan dela Peña, Nelson Galay, Francisco Babac at Ritchie Lu. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento