(Arakan, North Cotabato/ October 30, 2013)
---Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang
pagpapasinaya ng kalsada na nag-uugnay sa Sitio Napanlahan, Poblacion Arakan at
Barangay Dallag, Arakan.
Ayon sa gobernador ang road concreting
project na nagkakahalaga ng 25 milyong piso ay mula sa provincial government
matapos matanggap ang ‘Seal of Good Housekeeping’ award ng Department of
Interior and Local Government.
Kaugnay nito, magiging madali na para sa mga
magsasaka mula sa malalayong Barangay ng Arakan, North Cotabato ang pagbibyahe
ng kanilang mga produkto patungo sa pamilihang bayan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento