Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Culmination Program ng cooperative Month, dinagsa ng daan-daang mga miyembro sa North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ November 1, 2013) ---Isinagawa kamakailan ang culmination program ng cooperative month sa provincial Capitol Gym sa Amas, Kidapawan City kamakailan.       
                                                            
Ang nasabing aktibidad ay dinagsa ng daan-daang miyembro ng kooperatiba sa North Cotabato.                                               
                                                                                  
Naging panauhing pandangal sa nasabing programa si Cooperative Development Authority Assistant Regional Director Armanio Paa at iba pa’ng opisyal ng provincial government.                                                                                                                       
Nagpahayag rin ng kasiyahan ang CDA sa pag-unlad ng mga kooperatiba ng probinsya, patunay lamang na umuunlad na rin ang mga miyembro nito.

Sa kaugnay na balita, abot sa isang ektaryang lupain ang natamnan ng rubber at coffee seedlings sa dalawang barangay ng Kidapwan City kasabay ng selebrasyon ng Cooperative month noong nakaraang buwan.

Ayon kay City Cooperative Officer Dometilio Bernabe, ang nasabing tree planting activity ay naglalayong na mapangalagaan ang kalikasan bukod pa sa makadagdag kita sa kooperatiba.

Ang naturang tree planting ay isinagawa sa Brgy, Sumbac at Brgy. Birada na dinaluhan ng cooperative leaders at cooperative members  sa nasabing koopertiba.

Maliban sa Tree Planting, nagkaroon din ng Synchronized Feeding, Pinoy Olympics, Business/ Coop Forum, Coop Night, Medical outreach at Culmination Program, na nagtapos kahapon. 

Naka sentro ang aktibidad sa temang “Cooperative paves the way for inclusive Growth”. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento