Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mababang presyo ng palay sa Kidapawan City, ikinadismaya ng mga magsasaka

(Kidapawan City/ October 31, 2013) ---Bahagya umanong bumaba ngayon ang presyo ng palay sa Kidapawan city.

Ayon kay DA-Kidapawan Agribusiness Coordinator Nenita Mangawang na sa ngayon ay naglalaro sa P15.00 hanggang P15.50 na lang ang kuha ng mga commercial traders sa palay na kanilang binibili mula sa mga magsasaka sa lungsod ng Kidapawan at karatingna lugar.

Ito umano ay dahil nagsisimula na ang malawakang anihan ng palay sa ilang mga lugar at dahil na rin sa supply and demand Scheme.

Sinabi ni Mangawang na abot naman sa P16.00 hanggang P16.50 ang bilihan ng dry na palay sa kasalukuyan.

Matatandaan na tumaas ang presyo ng dry na palay nitong nakaraang quarter na umabot sa P18.00.

Bukod sa bumaba ang bentahan ng palay ngayong buwan, dismayado rin maging ang mga magsasaka sa Mais dahil sumipa pababa ang presyo ng yellow corn sa P11.00 mula sa P13.00 na presyo nito noong nakaraang buwan.

Samantala, nasa P13.30 naman ang palitan ng White corn ng ilang mga malalaking buy and sell sa Kidapawan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento