(Kidapawan City/ October 31, 2013) ---Naglaan
ng P200,000.00 ang Pamahalaang Panlungsod ng Kidapawan para sa mga naging
biktima ng lindol sa Bohol, ayon sa Disaster Management.
Ayon kay 911 Operation Center Head Psalmer
Bernalte na ang nasabing pondo ay nagmumula sa 30 porsientong Quick Response
Fund ng City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM).
Matapos na maaprubahan kahapon sa
isinagawang City Peace and Order Council meeting na dinaluhan ng Local Health
Board at ng City Disaster Risk Reduction Management.
Kaugnay nito, pinangunahan din ng City LGU
ang ‘Bohol Aid: Zombie Walk and Fun Run’, kahapon ng hapon, bilang bahagi ng
fund raising para sa mga naging biktima ng lindol sa Bohol.
Sa isinagawang City Peace and Order Council
Meeting sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista na nagdulot ng malaking pinsala
sa kabuhayan at pagkasawi ng maraming tao sa Central Visayas ang tumamang 7.2
Magnitude na lindol.
Ang gagawing Zombie Walk ay inisyatibo ng
Dalawang konsehal ng lungsod na sina Councilors Judith Navarra at Lauro Taynan
na kapwa tubong Bohol, ito bilang bahagi ng tulong sa mga kababayan sa Bohol. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento