(Pikit, North Cotabato/ November 1, 2013)
---Abot sa 153 mga pulis ang gagawing
Board of Election Tellers sa isasagawang special election sa 12 mga
barangay sa bayan ng Pikit, North Cotabato.
Ayon kay Cotabato provincial election
supervisor Duque Kadatuan nakatakda ang special barangay polls sa November 8.
Pinalawig ang nasabing barangay Halalan para
sumailalim muna ang mga pulis sa pagsasanay para matiyak na tapat, maayos at
malinis ang gagawing halalang pambarangay.
Sa ngayon, ni-relieve muna ni Kataduan ang
election officer ng Pikit na si Joel Celis habang nakabinbin pa ang gagawing
imbestigasyon sa kanya.
Ito makaraang isinagawa ng 153 mga BETs ang
October 28 na barangay election sa Pikit Central elementary School sa Poblacion
ng Pikit sa halip na gagawin ito sa 12 mga barangay ng bayan na isang paglabag
batay sa itinakda ng Omnibus Election Code.
Posibleng mahaharap din si Celis ng kasong
administratibo sa ilalim ng Civil Service Code na kinabibilangan ng
dishonesty, gross misconduct at gross negligence of duty. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento