(Kidapawan City/ October 28, 2013) ---Magsasampa
ng kaso ang Armed Forces of the Philippines mula sa Eastern Mindanao Region laban
sa grupo ng New Peoples’ Army (NPA) na responsable sa magkahiwalay na
pagpapasabog ng landmine sa dalawang lugar sa lalawigan ng North Cotabato noong
nakaraang Oktubre a-21 na ikinasawi ng siyam na mga sundalo at cafgu at
ikinasugat ng lima.
Sinabi ni 10th Infantry Division
Commanding Officer Major General Ariel Bernardo na ang kabilang sa mga nilabag
ng mga rebelde sa ginawang karahasan ay may kaugnayan sa Republic Act 9851 o Philippine
Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at iba pang
Crimes against Humanity.
Tinawag namang ‘overkill’ ni 57th
Commanding Officer Lt. Col. Noel dela Cruz ang nasabing pag-atake kungsaan
pinasabugan at pinaulanan ng bala ang tropa ng pamahalaan habang lulan sa isang
military vehicle.
Bukod sa nabanggit na kaso, inihahanda na
rin ng mga sundalo ang kasong robbery na kakaharapin ng mga rebelde.
Nabatid mula kay 1002nd Brigade
Commanding Officer Col. Marcos Norman na natangay ng NPA ang abot sa P2.135
million na par asana sa allowance at pagkain ng 753 kasapi ng Citizens Armed
Forces Geographical Unit Active Auxiliary (CAA) na nakakalat sa 37 detachments
in North Cotabato.
Ang pera ay nakalagay sa loob ng bag ng isang
finance officer ng 38th IB na kasama sa mga namatay sa nasabing pananambang,
ayon sa report.
Sinabi ni Bernardo sa isang pulong
pambalitaan na ginananap sa JC complex Kidapawan nitong Sabado na pursigido
silang magsasampa ng kaso sa kabila na di pagkakasundo sa peace negotiations sa
pagitan ng Pamahalaan at National Democratic Front (NDF).
Samantala, nag-abot kamakalawa ng tulong
pinansyal ang pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato sa mga naging biktima
ng pananambang sa bayan ng Tulunan nitong Lunes.
Personal na iniabot ni North Cotabato
Governor Emmylou Mendoza ang halagang P10,000 sa pamilya ng sundalong namatay
na si Sgt. Alonto Heramis, miyembero ng 1002nd Brigade ng Philippine Army.
Namahagi din ng kaparehong halaga ang
myiembro ng konseho ng lalawigan sa ilang mga pamilya sa mga bayan ng Matalam,
Midsayap at lungsod ng Kidapawan.
Nakisimpatiya ang gobernador kasabay ng
pagbibigay tulongpara sa gastusin ng mga apektadong pamilya.
Matatanddang nitong Lunes, siyam na mga
sundalo ang nasawi sa ginawang pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army
(NPA) sa hangganan ng Barangay Caridad at Bituan sa Tulunan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento