(Sultan Kudarat/ November 3, 2013) ---Niyanig
ng 6.0 magnitude na lindol ang probinsya ng Sultan Kudarat alas-7:04 ngayong
gabi lamang.
Sa inilabas na report ng Philippine
Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng pagyanig sa
lalim na 556 kilometro at nasa 195 kilometro sa bayan ng Palimbang lalawigan ng Sultan Kudarat.
Samantala naramdaman ang Intensity 3 sa
Malita, Davao Oriental, habang Intensity 2 naman Davao City.
Tectonic o nagkikiskisang lupa ang dahilan ng nasabing pagyanig.
Wala namang napaulat na casualties o
nasirang ari-arian kasunod ng lindol. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento