(M’lang,
North Cotabato/ November 5, 2013) ---Patuloy ang paglaban ngayon ng Mlang PNP
katuwang ang Pamahalaang bayan para tuluyang masugpo ang paggamit at pagtutulak
ng illegal na droga sa bayan ng Mlang.
Ito
makaraang maaresto sa pinakahuling buybust operation ng PNP ang isang 44-anyos
na lalaki sa Purok 2, Barangay Lika, M’lang North Cotabato, kamakalawa.
Kinilala ang
suspek na si Winnie Castillon, residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula
sa suspek ang dalawang heat sealed sachet ng suspected shabu at 500 peso marked
money.
Kasalukuyang
nakapiit sa M’lang PNP lock-up cell ang suspek at nakatakdang sampahan ng
kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento