(M’lang, North Cotabato/ November 4, 2013)
---Patay ang barangay Chairman ng Brgy. Libo-o, Mlang, North Cotabato matapos
pagbabarilin ng riding in tandem assassin sa National Highway ng Purok
Mabinoligon, Brgy. Bagon tapay, Mlang, North Cotabato alas 2:50 nitong Sabado.
Kinilala ni PSI Rolando Dillera, hepe ng
Mlang PNP ang biktima na si Eduardo Panes, nasa tamang edad at residente ng
nabanggit na lugar.
Sa ulo tinamaan ang biktima na naging
dahilan para maaga itong salubungin ni kamatayan.
Sakay umano ang mga suspek sa Single Bajaj
Motorcycle na mabilis na tumakas matapos maisakatuparan ang masamang balakin.
Nagsasagawa pa ngayon ng imbestigasyon ang
mga otoridad kung may kinalaman sa pulitika ang nasabing insedente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento