(Kabacan, North Cotabato/ November 8, 2013)
---Bagama’t pumapangalawa ang bayan ng Kabacan sa may pinakamataas na kaso ng
nakawan ng motorsiklo sa North Cotabato, malaki naman ang ibinaba ng bilang na
ito sa kasalukuyan.
Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP nasa Limampung porsientong bumaba ang motorcycle theft sa Kabacan
habang papatapos ang huling quarter ng taon.
Ito makaraang pinaigting nito ang Integrated
Patrol System partikular na sa Poblacion at mga pangunahing kalye ng bayan
simula ng manungkalan ang opisyal bilang bagong chief of Police.
Noong Martes ng umaga (Nov. 5), abot sa Sampung mga
motorsiklo kasama na ang mga trysicab ang nahuli ng mga otoridad dahil sa
iba’t-ibang paglabag sa batas trapiko.
Kabilang sa mga nilabag ng mga naka-impound
na motorsiklo ay ang kawalan ng kaukulang dokumento, pagbibiyahe na walang
prangkisa, walang license plate at ang bawal na paggamit ng mga open pipe na
motorsiklo.
Sinabi ni Maribojo na may ilang mga
motorsiklo na suspected vehicle na ginagamit ng mga riding in tandem na ngayon
ay naka-impound sa Kabacan PNP.
Abot na rin sa mahigit sa isang daan ang mga
motorsiklong naka-impound ngayon sa kanilang himpilan simula ng palakasin nila
ang kampanya kontra nakaw motorsiklo at oplan lambat bitag at kap-kap bakal. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento