Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagtatakda ng special election sa Pikit, North Cotabato; wala pang resolution

(Pikit, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Hanggang ngayon ay wala pang natatanggap na resolution ang pamunuan ni Cotabato Provincial election Supervisor Atty. Duque Kadatuan sa pagtatakda ng special election sa bayan ng Pikit.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Atty. Kadatuan bagama’t una ng iminungkahi nila ang Nobyembre a-8.

Aniya, patuloy ang kanilang paghihintay sa Comelec Office sa Manila na maaprubahan ang nasabing resolution at maitakda na ang special election.

Sinabi ni Kadatuan na hindi naman ang peace and order ang nakikita nitong dahilan kung bakit di natuloy ang halalang pambarangay sa 12 mga barangay ng Pikit bagkus tinukoy nito ang problema sa mga board of election tellers o BETs.

Kaugnay nito, ni-relieve muna sa kanyang posisyon ang election Officer ng Pikit na si Joel Celis at ibinalik bilang election assistant sa Office of the Provincial supervisor.

Samantala nahaharap naman sa kaso ang mga guro na umatras maging BETs sa eleksyon.
Kaugnay nito, Sasailalim naman sa orientation at pagsasanay ang mga pulis upang maging BETs. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento