(Kidapawan City/ November 7, 2013) ---Muli
na namang tumira ang mga masasamang loob partikular na ang mga budol-budol gang
sa Kidaapwan City matapos na tangayin ng mga ito ang abot sa 20 libong pisong
cash mula sa estudyanteng biktima, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si Juzelle Valido,
residente ng Nursery Phase I, Kidapawan
City.
Ayon sa report, bigla na lamang lumapit ang
mga suspek sa biktima at sa di maipaliwanag na paraan ay ibinigay nito ang pera
sa dalawang suspek.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang
pagkakakilanlan ng mga suspek lalo na at maraming kaso na rin ng panloloko ang
naitala ng Kidapawan City PNP. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento