(Kabacan, North Cotabato/ November 8, 2013)
---Nakahanda na ang Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council
kasama na ang Kabacan Quick Response Team sakaling may mga di inaasahang
pangyayaring tatama sa bayan ng Kabacan.
Ito ang ginawang pahayag ni MDRRMC Officer
David Don Saure sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pag-alerto nito sa
mga residente sa mga mabababang lugar ng Kabacan, partikular na dito ang residenteng
malapit ang tahanan sa Kabacan river kagaya ng sa Plang Village at iba pa.
Aniya, may mga evacuation center na rin
silang inihanda sakaling may mga paglikas na gagawin sa bayan.
Handa na rin ang MSWDO katuwang ang iba pang
ahensiya ng bayan para tiyaking ligtas ang lahat sa pagtama ng anumang di
inaasahang insedente.
Samantala, sinabi naman ni Provincial
Disaster Risk Reduction Officer Cynthia Ortega na patuloy ang kanilang
monitoring sa water level ng Pulangi
at Rio Grande de Mindanao, ang itinuturing na pinakamalaking ilog sa bansa at
pumapangalawa kung ang haba ang pagbabatayan.
Ang nasabing ilog ay tumatawid sa mga bayan ng Kabacan, Pikit,
Carmen at President Roxas sa North Cotabato at sa mga bayan ng Pagalungan at
Datu Montawal sa Maguindanao.
Ayon kay Ortega ang mga ulan na dala ng Bagyong Yolanda ay
posibleng maging dahilan ng pagtaas ng tubig at magsanhi ng pag-apaw ng tubig
mula sa ilog. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento