Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tree Planting, isasagawa kasabay ng pagtatapos ng Youth Peace Camp sa North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ November 5, 2013) ---Sa pamamagitan ng Tree Planting ay magtatapos na bukas ang anim na araw na Youth Peace Camp na isinagawa sa lalawiagan ng North Cotabato.

Ayon kay Angelo Herrera, isa sa mga lider ng core group, layon ng Youth Peace Camp na magsama-sama sa adhikain ng kayapaan ang iba’t ibang mga lider ng mga lumad, Muslim, at Kristiyano, mula sa North Cotabato, Maguindanao, Bukidnon, Nueva Ecija, at Metro Manila.


Sisimulan ang Solidary Walk buhat sa tree planting site sa bayan ng Pikit patungo sa Takepan gymnasium alas 7:30 ng umaga bukas.

Ang Barangay Takepan ay isa sa pitong mga barangay sa Pikit na deklaradong, “Peace Zone” sa ilalim ng GINAPALAD TAKA Zons of Peace.

Iginiit pa ni Herrera na ang tree planting ay simbolo ng pagkakabuklod-buklod ng lumad, Muslim, at Kristiyano sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang kultura, tradisyon, at paniniwala, ay nagkakaisa sa iisang adhikain na naglalayong makamit ang matagal ng inaasam-asamam na kapayapaan sa Mindanao.

Ang Solidarity Walk and Peace Caravan ng may 60 peace campers mula sa mga grupo ng lumad, Muslim, at Kristiyano na nagmula pa sa isla ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Bahagi ito ng five-year Youth Peace Camp na sinimulan ng grupong, BINHI, noon pang 2006. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento