Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OFW na nagkasakit sa abroad, tinulungan ng gobyerno na maka-uwi ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Naka-uwi na ang isang Overseas Filipino Worker na tubong Kapayapaan, Poblacion, Kabacan makaraang tinulungan ng LGU Kabacan sa pamamagitan ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Secretary to the Mayor Yvonne Saliling dalawang buwan umanong namalagi sa Makati Medical Center si Solaya Dapagan matapos tamaan ng sakit sa iabayong dagat ng halos dalawang taon at kinanlong ng mga kasamang OFW sa Abu Dhabi. 

Sa kasalukuyan ay na-comatose ang biktima at patuloy na binibigyan ng medikal na atensiyon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Mismong si Mayor Herlo Guzman Jr., ang tumulong sa biktima para maka-uwi dito sa Kabacan sa tulong ng ambulansiya ng probinsiya na sumundo kay Dapagan sa Cagayan de Oro City.

Isa si Dapagan sa maraming OFW na undocumented sa ibayong dagat kungsaan naging masaklap ang karanasan makaraang naging TNT ito sa abroad, ayon kay Saliling.

Samantala, patuloy ngayong inaalam ng tanggapan ni Kabacan Public OFW desk Officer Jeorge Graza ng Kabacan LGU kung may mga taga-Kabacan na nakasama hinggil sa pagpapatupad ng crackdown laban sa mga illegal na manggagawa doon.

Sinabi ni Graza na sa kasalukuyan ay wala pang lumapit sa kanilang tangagpan.


Sinabi naman sa DXVL News ni Municipal Social Development Officer Susan Macalipat na handa namang tumulong ang gobyerno ng anumang assistance sakaling may mga taga-Kabacan na mapaulat na undocumented OFW sa nasabing lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento