Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Arson, isasampa laban sa mga responsable sa panununog ng Day care center sa Maguindanao

(Maguindanao/ November 6, 2013) ---Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa panununog ng mga taga-suporta ng natalong barangay chairman sa Day Care School sa bayan ng Montawal, Maguindanao noong Lunes ng gabi.


Ayon kay Army’s 602nd Infantry Brigade spokesman Captain Antonio Bulao natukoy naman ang mga nanunog na mga supporter ni Maotan Dalimbang Kasim, natalong kandidatong chairman sa Barangay Nabundas sa ginanap na eleksyong pambarangay noong Oktubre 28.
Nabatid na si Kasim at ang kapatid nitong si Tatoh ay miyembro ng 110th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Kaugnay nito, ayon kay Brig. Gen. Ademar Tomaro, commanding officer ng Army’s 602nd Infantry Brigade magsasampa sila ng kasong panununog laban sa naturang grupo ng MILF sa Joint Ceasefire Committee.


Lumilitaw naman sa i­nisyal na imbestigasyon na hindi matanggap ng grupo ng magkapatid na Kasim ang pagkatalo ng kanilang manok sa barangay elections. DXVL NEWS



0 comments:

Mag-post ng isang Komento