(Kidapawan city/ November 7, 2013) ---Balik-normal
na ang operasyon ng mga police box na nasa sentrong bahagi ng Kidapawan City.
Ito ang ipinahayag ni Kidapawan City Police
Director Leo Ajero matapos dumating ang 80 PNP personnel na ipinadala sa ARMM
noong October 28 Barangay elections.
Ayon kay Ajero,ipinadala ang nasabing mga
personnel bilang augmentation force sa mga probinsya ng Lanao del Sur at
Maguindanao kaya’t pansamantalang naparalisa ang deployment ng mga pulis sa
kanilang designated police box.
Ginawa ng opisyal ang pahayag dahil sa mga
reklamo ng ilang residente tungkol sa umano’y bakanteng police box sa Quezon
Boulevard sa lungsod ng Kidapawan.
Samantala, sugatan ang isang lalaki matapos
masangkot sa isang riot sa Sinsuat Street, Kidapawan City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Reynate
Uyanun,28-anyos, at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, nagkaroon ng di
pagkakaunawan ang grupo ng magbabarkada na nagresulta sa pananaksak ng ice pick
ng isa sa mga suspek sa biktima.
Nagtamo ng sugat sa mata ang biktima na agad
namang dinala sa pinakamalapit na ospital.
Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang
suspek.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento