(Kabacan, North Cotabato/ November 7, 2013)
---Iginiit ngayon ni Kabacan Election Officer Gideon Falcis na first come First
Serve Basis ang ginagawa nila sa pag-release ng mga Honorarium ng mga gurong
nagsilbing Board of Election Tellers nitong nakaraang halalang pambarangay.
Ito ang naging paliwanag ng opisyal matapos
na may ilang mga gurong nagreklamo sa diumanoy kawalan ng istratehiya sa
pag-release ng kanilang mga Honorarium.
Sinabi ni Falcis na di nila kaya
ma-i-release ang honorarium ng abot sa 399 na mga BETs sa isang araw lamang.
Noong Martes abot sa 108 na mga Board of Election
Tellers na ang nakatanggap ng kanilang P2,500 na cash bilang honorarium.
Kahapon ng hapon ay nasa 70 porsiento na ang
nakakuha ng kanilang bayad sa Comelec Kabacan, ayon kay Falcis.
Sinabi ng Comelec Kabacan na, magpakita
lamang sila ng kanilang Appointment letter, mag-lagda ng masterlist at agad na
makukuha ang nasabing halaga ng pera. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento