(November 5,
2013/ November 5, 2013) Malaki ang naitutulong ng Small Coconut Farmers
Organization o SCFOs sa pag unlad ng industriya ng niyog sa North Cotabato.
Ito ang
sinabi ni Philippine Coconut Authority Officer Fatima Bansuan sa isang
pagpupulong kamakailan sa probinsiya.
Kasabay ng
paghimok nito sa mga maliliit na kooperatiba at magniniyog sa North Cotabato na
patuloy na makipag-ugnayan sa iba't-ibang ahensya ng pamahalaan.
Sinabi naman
ni SCFO North Cotabato Federation President Leo Lorredo na patuloy silang
nakikipag ugnayan sa iba't-ibang sektor upang matulungan ang maliliit na
magniniyog at mga kooperatiba na mapalaki pa ang kanilang kinikita.
Batay sa
2012 Coconut Statistics na inilabas ng PCA North Cotabato, higit 46 na libong
ektarya ng lupain sa North Cotabato ang nakatutok sa produksyon ng niyog. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento