Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Agaw Armas’ nakikitang dahilan sa pagbaril patay sa Newly elected barangay Kagawad sa Kidapawan; 1 pa sugatan

(Kidapawan City/ November 4, 2013) ---Hindi pa man pormal na nakakaupo bilang konsehal ng barangay Malinan sa Kidapawan City ang bagong halal na kagawad ay pinabulagta na ito ng di pa nakilalang suspek noong Sabado.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, Kidapawan City Police Director ang biktima na si Ronaldo Macrohom, dating kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary (CAA) at nahalal bilang barangay kagawad ng Barangay Malinan sa katatapos na Barangay election.

Sa report, sakay umano sa motorsiklo si Macrohom kasama ang lulan nitong kinilalang si Efren Pinio ng sundan ng mga gunmen habang papauwi na sa kanilang bahay.

Sa ulo tinamaan ang konsehal na naging dahilan ng agara nitong kamatayan habang sugat naman sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ni Pinio.

Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan si Pinio para mabigyan ng agarang lunas.

Agad namang tumalilis papunta ng President Roxas-Antipas highway ang mga suspek matapos maisakatuparan ang masamang balakin.

Narekober sa crime scene ang slugs ng kalibre .45 na pistol na siya’ng ginamit ng mga suspek sa nasabing pamamaril.

Malaki ang paniniwala ni Ajero na agaw armas ang isa sa mga anggulong sinusundan ngayon sa pagpatay sa biktima.


Natangay mula sa mga biktima ang Garand rifle, improvised M14 assault rifle, .38 caliber pistol at isang .45 caliber pistol. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento