Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Climate Justice, tinalakay sa 7th Mindanao Summer youth Peace Camp!


(Upi, Maguindanao/May 22, 2012) ---Pangunahing tinalakay sa ginanap na 7th Mindanao Summer Youth Peace Camp sa Upi Agricultural School Provincial Technical Institute of Agriculture Social Hall, Upi, Maguindanao ang Climate Justice.

Ito ay binigyang paliwanag ni Mark Mandar ng Kilusang Maralita sa Kanayunan na isa sa mga naging lecturer, ayon sa report ni Upi, Maguindanao News Correspondent Hannadi Guaimad.

Ang talakayan ay sumentro sa pangangalaga ng kalikasan dahil malaki umano ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa usaping ito.

Sa huli, hinikayat nito na magtanim ng punong kahoy ang bawat partisipante ng 7th Mindanao Summer Youth Peace Camp na dinaluhan ng mga Bangsamoro at Indigenous People Youth mula sa ibat-ibang probinsya na sakop ng Mindanao.

Ang nasabing Summer Camp ay may temang ’’Peace Ta Kabataan, Struggle Against Environmental Destruction Peacetival” na sinimulan sa pamamagitan ng motorcade ay isinagawa sa loob ng limang araw, mula May 17-21,2012. (Hannadi Guiamad)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento