(Matalam, North Cotabato/May 21, 2012) ---Nakaranas
ng mahigit sa isang oras na brown-out ang buong service area ng Cotabato
Electric Cooperative o cotelco kaninanng umaga matapos na matamaan ng puno ng
Marang ang 69KV line ng Cotelco o itong tinatawag na Mt. Apo line.
Sa panayam ng kay cotelco Spokesperson
Vincent Lore Baguio, natagalan umanong mahanap ang nasirang linya kung kaya’t
di agad na kumpuni dahil sa nagsagawa pa sila ng survey.
Nakita ang nasirang linya sa bahagi ng Sitio
Martinez ng brgy. Birada, Kidapawan City at umabot lamang ng 30 ang kanilang
pagsasaayos.
Una na ring kinumpirma ng pamunuan ng
cotelco na ang nasabing brown-out ay walang kinalaman sa load deficiency sa
kuryente bagamat nahaharap pa rin ang Mindanao sa power crisis, ito matapos na
makapag-withdraw na ang cotelco ng dagdag na 8 megawatts bilang pandagadag na
kulang na supply ng kuryente.
Sa ngayon may load dispatch
ang cotelco mula sa NPC na 28 megawatts at dagdag na 8 megawatts mula sa Therma
Marine Incorporated o TMI. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento